Glitter text generator

Pages

Wednesday, October 19, 2011

Masakit na katotohanan...

Ayaw ko nang mag-isip ng kung anu-ano..
Gusto ko na siyang kalimutan.. nahihirapan na ako…
Sa dami ng iniisip ko.. dagdag pa un..
Ang sakit nang malaman ko ang mga katotohanan…
Ang hirap pala magmahal sa taong my ipinangakong napako..
Nasira ang tiwala…
Tiwalang matagal ko nang iningatan ng ilang panahon.
Tapos sa isang iglap lang..

Parang naglaro ka lang ng snake ng pinahaba ng matagal, iningatan at dahil lang sa isang pagkakamali biglang naglaho ang lahat ng pinaghirapan..
Sakit ang nadarama ng puso ko..
Hanggan ngayon,, siya pa rin ang laman ng isip ko..
Ano ba ang kelangan kong gawin..??
Para malaman ko kung paano ko malalampasan ang mga pangyayaring ito….
Ang hirap eh… lagi ko siyang naiisip.. yun bang bigla- bigla mo na lang siya maiisip..
Hindi na ako makakain ng maayos.
Pati sa pagtulog hirap ako.
Gusto kong umiyak pero parang may pumipigil sa akin..
Gusto kong magalit pero ayaw ko kasi ayaw kong maramdaman yung sakit na nararamdaman ko
Sa totoo lang umaasa pa rin talaga ako na babalik siya sa akin..


Maraming mga tanong ang naiisip ko
Nasagot na yung mga yon, pero  parang ayaw ng puso’t isip ko na maintindahan lahat ng mga pangyayari..
Ang hirap tanggapin ang mga kasagutan, kasi masakit…
Masakit tanggapin ang katotohanan, ika nga nila…

MOVE ON.....
MOVE ON.....

yan ang payo ng mga kaibigan ko, lalo na si bestfriend...
kasi kung talagang para sa akin siya, sa akin talaga siya.. tama ba??

siguro nga tama siya...
kasi wala na rin naman na akong magagawa eh,, masaya na siya sa piling ng iba...

ang hiling ko na lang eh sana maging masaya siya sa lahat ng kanyang mga desisyon...
sana masaya siya sa piling ng iba, at ingatan ka niya...

.
.
.
.
.
.
.
.
MAHAL NA MAHAL KITA...









_Jhay El_

1 comment:

  1. The truth hurts, but it doesn’t kill. Lies may please, but it doesn’t heal.
    Anyone who doesn’t take truth seriously in small matters cannot be trusted in large ones either.
    소액결제현금화,정보이용료현금화
    People say the truth hurts. Hell no, it hurts even more if you do a whole bunch of foolishness to try and avoid it

    ReplyDelete