Glitter text generator

Pages

Saturday, October 8, 2011

ANG AKING MGA KARANASAN SA FILIPINO 110


           Sa nakalipas na isang semestre, masasabi kong napakasaya ng karanasan ko sa Filipino 110. Marami akong natutunan tungkol sa retorika at sa sining ng pagsulat, naging mas epektibo ang pagsusulat ko ng mga artikulo sa aking dyornal at nagagamit ko pa ito sa iba't ibang paraan.
         Naranasan ko sa sabjek na ito ang paghihirap. Paghihirap ng isang estudyante na nagbigay sa akin ng aral upang pagtuunan ng higit na pansin ang mga bagay na mas makatutulong sa pag-unlad ng aking sariling pagkatao. Naranasan kong magtiwala sa mga kaklase sa paggawa ng mga group assignments at ganoon na rin sa project at magkaroon ng kooperasyon sa kanila at tumayong isang lider sa grupo. 
              Ang mga karanasang ito ay maiiwan bilang isang alaala sa aking puso't isipan na sana'y balang araw ay muling maalala at maging gabay o patnubay sa landas na aking tatahakin.

No comments:

Post a Comment