Glitter text generator

Pages

Monday, October 24, 2011

THANK YOU FOR THE BROKEN HEART



Everything I know about love I learned from you, from you
And everything I know about pain I learned from you, from you
You were my only, You were my first
You showed me lonely, and you took me in when I was hurt
But the most important thing you ever gave me,
You was the one that hurt the most

So thankyou for the broken heart, oh yeah
And thankyou for the permanent scar
Cause if it wasn’t for you
I might forget, how it feels to let go
And how it feels to get a brand new start
So thankyou for the broken heart

I still remember when you called
and said that he didn’t admit anything
How could you expect me to look at you the same way
You were my only but not my last
You showed me lonely, and you made me put you in the past
The most important thing you ever gave me was the one that hurt the most

So thankyou for the broken heart, oh yeah
And thankyou for the permanent scar
Cause if it wasn’t for you
I might forget, how it feels to let go
And how it feels to get a brand new start
So thankyou for the broken heart

And everytime I find myself alone in pieces
I find myself I’ll just remember when you hurt me and I made it

So thankyou for the broken heart
And thankyou for the permanent scar
Cause if it wasn’t for you
I wouldn’t be here, With the love of my life all my pain disappear
I’ve come so far
So thankyou for the broken heart
I thankyou, I thankyou
For the broken heart
Oh yeah oh, Broken heart..

Wednesday, October 19, 2011

Masakit na katotohanan...

Ayaw ko nang mag-isip ng kung anu-ano..
Gusto ko na siyang kalimutan.. nahihirapan na ako…
Sa dami ng iniisip ko.. dagdag pa un..
Ang sakit nang malaman ko ang mga katotohanan…
Ang hirap pala magmahal sa taong my ipinangakong napako..
Nasira ang tiwala…
Tiwalang matagal ko nang iningatan ng ilang panahon.
Tapos sa isang iglap lang..

Parang naglaro ka lang ng snake ng pinahaba ng matagal, iningatan at dahil lang sa isang pagkakamali biglang naglaho ang lahat ng pinaghirapan..
Sakit ang nadarama ng puso ko..
Hanggan ngayon,, siya pa rin ang laman ng isip ko..
Ano ba ang kelangan kong gawin..??
Para malaman ko kung paano ko malalampasan ang mga pangyayaring ito….
Ang hirap eh… lagi ko siyang naiisip.. yun bang bigla- bigla mo na lang siya maiisip..
Hindi na ako makakain ng maayos.
Pati sa pagtulog hirap ako.
Gusto kong umiyak pero parang may pumipigil sa akin..
Gusto kong magalit pero ayaw ko kasi ayaw kong maramdaman yung sakit na nararamdaman ko
Sa totoo lang umaasa pa rin talaga ako na babalik siya sa akin..


Maraming mga tanong ang naiisip ko
Nasagot na yung mga yon, pero  parang ayaw ng puso’t isip ko na maintindahan lahat ng mga pangyayari..
Ang hirap tanggapin ang mga kasagutan, kasi masakit…
Masakit tanggapin ang katotohanan, ika nga nila…

MOVE ON.....
MOVE ON.....

yan ang payo ng mga kaibigan ko, lalo na si bestfriend...
kasi kung talagang para sa akin siya, sa akin talaga siya.. tama ba??

siguro nga tama siya...
kasi wala na rin naman na akong magagawa eh,, masaya na siya sa piling ng iba...

ang hiling ko na lang eh sana maging masaya siya sa lahat ng kanyang mga desisyon...
sana masaya siya sa piling ng iba, at ingatan ka niya...

.
.
.
.
.
.
.
.
MAHAL NA MAHAL KITA...









_Jhay El_

Tuesday, October 11, 2011

PARA KAY SIR JAYSON

          Para sa aming guro na si Sir Jayson, ako po ay nagpapasalamat dahil kayo po ay naging bahagi ng aking buhay sa aking pag-aaral sa kolehiyo na siyang nagturo sa amin, lalong lalo na sa akin, ng pagiging isang masipag na estudyante lalo na sa mga panahon ngayon..
           Salamat din po dahil ibinahagi ninyo ang inyong kaalaman sa amin. 
Salamat din po sa pagkakataong ito na ibinagay ninyo sa amin upang masabi namin ang aming reaction o opinion ukol sa paraan ng inyong pagtuturo at sa pagsama sa amin sa buong simestre... Salamat po dahil isa kayong naging isang mabuting guro sa amin, at  bilang isang kaibigan.
           Sana po sa paglipas ng panahon, ay hindi niyo po makalimutan ang bawat isa sa amin... at hindi po sana kayo magbago.

Saturday, October 8, 2011

ANG AKING MGA KARANASAN SA FILIPINO 110


           Sa nakalipas na isang semestre, masasabi kong napakasaya ng karanasan ko sa Filipino 110. Marami akong natutunan tungkol sa retorika at sa sining ng pagsulat, naging mas epektibo ang pagsusulat ko ng mga artikulo sa aking dyornal at nagagamit ko pa ito sa iba't ibang paraan.
         Naranasan ko sa sabjek na ito ang paghihirap. Paghihirap ng isang estudyante na nagbigay sa akin ng aral upang pagtuunan ng higit na pansin ang mga bagay na mas makatutulong sa pag-unlad ng aking sariling pagkatao. Naranasan kong magtiwala sa mga kaklase sa paggawa ng mga group assignments at ganoon na rin sa project at magkaroon ng kooperasyon sa kanila at tumayong isang lider sa grupo. 
              Ang mga karanasang ito ay maiiwan bilang isang alaala sa aking puso't isipan na sana'y balang araw ay muling maalala at maging gabay o patnubay sa landas na aking tatahakin.

ANG SINING SA AKING PANGALAN...

 
Jay Lord ang aking natatanging pangalan
Anghel ako na galing sa kalangitan
Yaon ang turing ng mga kaibigan


Laging nand'yan sa oras na kailangan
O kaya ay sa oras ng kagipitan
Ramdam din iyong dalang problema
 Dahil ako'y iyong kaibigang tunay.