Patuloy Ang Pangarap
'Di pa rin makapaniwala Sa lahat ng nangyari
Pangarap parang kailan lang Sa panaginip ko'y nakita
Ngayon ay dumating ng bigla sa aking buhay
Di naubusan ng pagasa ako'y nanalis sa...
Chorus:
Isang Pangarap, ako'y naniniwala
Ako ay lilipad at ang lahat makakakita
Sa isang pangarap ako'y naniniwala
Hindi ako titigil hangga't aking makakaya
Unti-unting mararating, tagumpay ko'y makikita
Patuloy ang pangarap pangarap...
'Di pa makapaniwala sa aking nakikita
Lahat ng panalangin ko, ngayon may kasagutan
Lahat ng pinagdaanan at pinaghirapan
Nagbigay ng kalakasan upang marating ang...
Repeat Chorus
Kahit saan, kahit kailan
Alam kong ako'y patungo
Sa marami pang tagumpay
Repeat Chorus
Patuloy ang Pangarap...
May mga pagkakataong tayong mga tao ay madaling mawalan ng pag-asa. Pag-asa na sana ay hawak pa natin sa ating mga kamay. Ngunit mayroon din namang punto na dumrating talaga ang mga kabiguan sa ating buhay. Kabiguang dala ng problemang hindi natin nakaya.
Ito ang napili kong awit. Awit na maihahalintulad ko sa aking buhay. Minsan may mga bagay na humahadlang sa akin upang makamit ko ang aking mga pangarap. May mga tao rin naman humihila sa akin paibaba. Ang hirap ng ganoong kalagayan. Pero, heto ako, naniniwala pa rin sa aking sarili. Naniniwala ako na aking maaabot ang aking mga pangarap. May mga pagkakataon na sumasagi sa aking isipan ang sumuko. Ngunit aking naiisip na kung ako ay susuko, paano na ang aking mga pangarap na matagal ko nang pinagsisikapan upang aking mapasakamay. Paano na ang aking kapamilya na siyang aking tutulungan kung ako'y nagtagumpay, mabibigo ko lamang sila.
Gaya nga ng sabi sa kanta, hindi ako susuko at gagawin ko ang lahat upang maabot ko lamang ang aking mga minimithi. Patutunayan ko sa mga tao na kaya kong magtagumpay. Lagi kong itinatinim sa aking isipan na kaya ko. At nananalig din ako sa Poong Maykapal, sa pamamagitan ng pagdarasal, paghingi ng tawad, paghingi ng gabay sa araw-araw na pamumuhay nang sa gayon ay lagi kong makayanan ang bawat bigat na dala ng mga dumarating na problema sa buhay.
Dasal ko, na sana dumating 'yong araw na masasabi kong "Nagtagumpay ako!".
No comments:
Post a Comment