"Hindi ka pumili ng iyong pamilya .
Ang mga ito ay regalo ng Diyos sa iyo,
habang ikaw ay sa kanila."
~ Desmond tutu
Ito ang aming pamilya. Apat lang kami sa aming pamilya- si papa, si mama, ako at si bunso. |
Ito ang aking mga magulang. Garlito M. Damasco ang pangalan ng aming padre de pamilya. ika- apat sa kanilang magkakapatid, at ang ilaw ng aming tahanan ay si Nymfa M. Damasco pangalawang anak naman siya ng aking lola. Pareho silang guro at sila ay parehong nagtuturo sa iisang paaralan, Lagasit National High School, San Quintin, Pangasinan. Hindi lamang isang guro ang aking ama kundi isa ring pastor sa aming simbahan.
Strikto ngunit mababait ang aking mga magulang. Bawat pagkakamali namin ay kanila kaming itinutuwid. Kaya hindi malayong mabait ako dahil sa mga palo at mga pangaral nila sa akin lalo na kung salita ng Diyos ang pinag-uusapan. Madalas silang magkwento tungkol sa kanilang mga karanasan noong hindi pa sila mag-asawa o noong kabataan nila, 'yong mga pagsasakripsyo nila para makapag-aral at makatapos ng kolehiyo. Ang mga ito ang siyang nagsisilbing paalala sa akin sa lahat ng aking mga ginagawa. Sila ang inspirasyon ko upang maabot ko ang aking mga pangarap
Ito naman ako at ang aking kapatid. Mana sa ama hindi ba? Sabi nila gwapo raw kami, pero marami ring nagtatanong kung sino ba ang mas gwapo sa amin? Hmm... Kayo na ang bahalang humusga.
Dalawa lang kaming anak ng aming mga magulang. Siyempre ako ang panganay at ang aming bunso ay si Janlord M. Damasco. Ako ay labing walong taong gulang at siya naman ay anim na taong gulang. Ang layo ng agwat noh. Family planning ba talaga? hehehe.
Kabaligtaran daw kaming magkapatid, mabait ako at siya naman makulit at pasaway. Malayong malayo talaga sa ugali ko. Pero minsan, may mga panahong nagkukulitan kami, hanggang sa isa sa amin ang masaktan at umiyak. Pati nga ako napapaiyak ng kapatid ko. hehehe. Pero mahal na mahal ko siya. Paano naman kasi, nag-iisa lang siyang kapatid ko. Kaya minsan, kahit makulit, hinahabaan ko na lang pasensya ko dahil alam ko na sa pagtanda namin kami pa rin ang magtutulungan para sa aming pamilya.
Ito ang aming pamilya. Simple ngunit masaya. At ang isa sa mga pinakamahalagang sangkap ng pagkakaroon ng isang masaya at matibay na pamilya ay ang tinatawag na PAGMAMAHALAN.